Wednesday, May 6, 2009

Reklamo #1

hindi to actually ang unang reklamo ko kay sa kanya. marami na, pero ngayon ko lang naisipan i-blog. anyways, eto ang nangyari.

nasa trabaho ako, wala sya. nagYM sya saken, typical kwentuhan. tapos nagsabi na "hon dipa ko nagdidinner" so ako naisip ko na gusto mo bilhan ka ng food. so ayun na nga, bibilhan ko nalang ikaw. hindi agad sya makadecide kung san papabili, naiirita nako. nahihirapan magchat at magtrabaho at the sametime kase ngarag nako dahil nga malapit na uwian.

and so i called him, sya pa nainis. kase naman hindi daw nya alam kung ano yung "smokey's" kung brand daw ba yun o ano. sasagutin ko lang daw naman. anyway, natapos ang usapan na yun bibilhin ko. iritable ako, pero ok pa naman.

so i bought his dinner, hindi nga lang sa smokey's kase sarado na.

pagdating ng shuttle (may service provided kase company namin), intay nalang ako sa ibang passengers. kainis kase yung ibang kasabay ko eh hindi alam ang daan, so naligaw pa. in short, ako ang huling hinatid kase out of the way sa kanila, at ala una nako nakauwi! gr. iritable parin ako, pero ok pa.

pagbaba ko ng shuttle, ang lakas ng ulan. basa ako. gr. kairita, pero ok parin, i cant stop the sky from raining.

pagpasok ng apartment, humambalong saken ang makalat na dining table namin! ang kinainan niya andun! nakatiwangwang sa lamesa. take note, disposable ang pinagkainan nya, pwedeng itapon, pero hindi tinapon. kung tinatamad naman humakbang papuntang dirty kitchen para itapon, pwede narin ihagis sa sink, wag lang makalat sa table. believe, it was sooooo messy. ayoko ng kalat - and he perfectly knows that.
pagpasok ng kwarto - badtrip - MAJOR KALAT! the bed was like a disaster, pillows everywhere, shirts (used) laying in the bed, his jacket was on the bed, laptop bag opened on thebed as well! and to add more, books were on the floor, lan cable and more!!!

hindi nako nagsalita, nagligpit nalang ako. iritable ako. ang bwiset, NAIINIS NAKO!

yun lang! nakakainis. baket parang hindi nya nacoconsider tong mga bagay nato. sinabi ko na naman sakanya to eh. AYOKO NG KALAT. yun nalang ang contribution nya - wag magkalat. ive already told him how i wanted things to be in place.

pustahan tayo, pagdating nya ng apartment, ayun, nanood ng NBA. fine. i respect that. he wants his time, pero naman, may commercial diba? i mean kung ayaw nyang magligpit, edi atleast man lang, wag nang magkalat. dba ganun lang naman kasimple yun? mahirap ba yun? kung mahirap yun, baket maraming tao na nakakagwa nun? diba? punyeta talaga.

hay napapamura na ako.

note: this is just the first. i hope there's more to come. im blogging about this all because wanted to keep track of everything. again, everything.

maybe tracking will help me decide and think about this relationship.

on the side, i dont want to give up easily. but we'll see. life is full of risks, and im taking one now - again.

period.

1 comment:

  1. as a friend has always says to me: giving up is always an option pero sinasabi ko palagi, if you love someone truly, you should embrace all the negative side of that person.

    i think this blog is a good avenue for you to decide on this relationship, you alone can decide in the end, but let me just point out something:

    hindi pa kayo mag asawa eh inaalila ka na nya
    hindi pa kayo talaga nakatali pero wala na sya masyado care sa iyo, ang babae nga dapat pinag sisilbihan

    pero in his case naman, have you given him enough time, i mean quality time, and has he done the same?

    there is always letting go and moving on around the corner, mahirap hanapin... pero as you have told, Marc is one of a kind. give him time, but not to the extent na nasasaktan ka na kasi i dont want that to happen.

    Smile, take care and God bless

    ReplyDelete