parang type ko na talaga dito ah. hehe. kase walang nakikialam sa mga sinusulat ko. napapadalas tuloy ang sulat ko.
o sige magddrama na naman ako.
hindi kase ako umuwi ng cavite this weekend. una kase dahil bridal shower nung saturday, tapos yun eh msama din pakiramdam ko. si mudra ayun, nagsabi na sila nalang daw ni tado (tita ko, short for tiTA DOrie)ang ppunta dito sa apartment..
ok, so uwi ako ng mga 2am sunday from the party. konting watch ng tv, wash, tapos sleep.
the following day nagising na lang ako na they're doing the laundry na. ako ayun, nakahilata parin. sama pa nga ng pakiramdam eh. tapos maya maya eh bangon narin, nakikigulo sa ginagawa nila. hehe. tapos yun, nagonline nako. konting laro with Belle (yung DSLR ko).
tapos nung time na kumain, bili lang ng lutong ulam.
sila ma at tado, naglinis din ng apartment.
in short talaga - senorita ako for the day. hay.
sinamahan din nila akong mamalengke. tapos balik ng apartment then uwi na sila. sumabay ako kase i was planning to have my nails done, eh kaso sarado, so bumili na lang ako ng gamot. pagkabili ko eh inantay pa nila ko makasakay ng pedicab pauwi apt.
so eto na ang drama. pagdating ng apt, naiyak nako. kase mag-isa na naman ako. alam ko naman na kasama ko si Pepper (yung baby doll namin ni Marc) kaso iba parin talaga eh. naisip ko, namimiss ko na talaga nanay ko.
tapos dagdag pa nun, naisip ko rin, kaya ko na kaya talagang magsarili? kunwari pag kinasal nako. hindi kaya naman gabi gabi eh umiiyak ako. haha.
wala lang. kase naman, 27 nako eh para parin akong teenager sa gantong aspeto. i guess i really have to mature in this area. :)
yun lang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment